Friday, November 16, 2007

mahawi man ang ukay-ukay...

Nagpunta ko sa ukay-ukay kanina. Ilang araw na kasing umuuwing may dalang pinamili ang utol ko at ang boypren nya na mga branded na damit na may tag price pa. at take note, pag inamoy, hindi amoy kabaong o alkampor. Amoy states, brod! Nga eh, parang galing sa balikbayan box ng kamag-anak from abroad. Ang bango ng amoy. Ilang araw ko na nga rin pinaplano ang pagbisita dun. Baka makatyempo ng maganda eh. Buti na lang at niyaya ako ng nanay ko at isa ko pang kapatid kanina. Kaya ayun, nakapasyal din sa wakas! Pagpasok sa kubol, amoy na agad balikbayan box. Parang nasa isteyts! Hehe. Pero tipikal na ukay, naka-kulumpon ang mga damit na parang chocolate hills. Ang kaibahan lang eh iba-iba ang mga kulay. Para namang christmas tree. Punta agad ako sa pinakadulong part ng ukay. Mukang alang kalaban dun eh. Saka isa pa, eh P20 lang ang presyo dun. Pasok na pasok sa budget! Halukay agad ang ginawa ko dun. tinalo ko pa ang sexbomb girls sa paghalukay ube nila! No match eh! Pero nanlata rin ako agad. Kakapagod pala ang ganung klaseng hunting. Tagaktak agad ang pawis ko ah. Malalaki at makakapal kasi yung ibang mga damit. American size din kasi. Pano naman ako eh katutubo size lang ako! Hehe.. pero kahit mainit at nakakapagod, nag-enjoy pa rin ako. Nasa imahinasyon din naman yun…kung pano mo aaliwin ang sarili mo. Tamang-tama, madaldal yung tinderong lalake. Nakakatawa sya at updated sa latest sa chika happenings! Lapit na daw dun at kababagsak lang mula sa langit ng mga damit na bago at mura. At take note, mga damit pala yun nina marimar at ni sergio! Kaya ayun, nag-umpisa na ko mag-imagine. Ako daw si sergio, at hinahanap ko ang damit ko na naglalaman ng proposal ring ko para ke marimar. Naaalala ko, nasa isang long sleeve iyon na maganda at masarap sa katawan. Kailangang mahanap ko agad yun bago pa dumating si marimar para makapag-propose na ko sa kanya. Last chance ko na kasi dahil nalaman kong nagbabalik din si sanghinez sa kanya. Baka maunahan na ko kung di ko sya madidiskartehan agad. Kaya ayun, nilusob ko ang bawat burol ng damit na nasa harapan ko. Inisa-isa ko alang-alang ke marimar. Maraming nakipag-agawan at nakipag-unahan pero indi ako sumuko. Hindi pu-pwede eh. Hindi ako papayag na mapunta sya sa iba! Hala sige, halukay lang ng halukay. Hanggang sa may mamataan ako sa may gawing kaliwa. Dahan-dahan akong lumapit para di mahalata ng mga kaagaw. Tapos ay sinipat kong mabuti kung iyon nga ang hinahanap ko. At hindi nga ako nagkamali ng palagay. Iyon nga ang long sleeve ko! Dinukwang at hinatak ko agad. Ang bilis ng pangyayari. Sa isang iglap ay nakuha ko agad ang nawawala kong as long asleeve. Binayaran ko agad sa tindero at dali-dali akong umuwi. Sinukat ko. Aba, kasyang-kasya! Pagkatapos ay kinapa ko ang bulsa kung saan nakatago ang sing-sing namin ni marimar. “syet!,” ang sabi ko. Wala na ang sing-sing. Mukang kelangan ko uli bumalik dun bukas. Daming damit na mura eh! P. S. bagay kasi sa gwapo ang mga branded na damit, kahit mura lang. totoo yun, brod!

si marimar, si karla, at si diego...

sa wakas, nalaman na rin ni sergio na buhay si marimar at sya si bella aldama! kung di mo napanood kagabi, sayang naman. nakaka-touch pa naman yung scene kung saan hinahawakan at pinagmamasdan ni sergio ang anak nyang si cruzeta sa ospital. isip ko nga, kung sakin nangyari yun. tsk, tsk.. napakabigat siguro sa damdamin, pero napakasaya rin. mabigat, kasi nalaman mong niloloko ka. masaya, kasi nalaman mong buhay ang mga pinakamamahal mong mga tao. nax, parang di ako to. hehe. sa bagay, mahal ko naman kasi si marimar. buti na lang di pa nabubuko ni sergio ang tungkol sa aming nakaraan! pero lam mo, napapa-isip ako ng marimar na yan ng tungkol sa love. libre naman yun, di ba? pano nga ba malalaman kung in-love ka na? di ko masabi eh. siguro pag nakikita ko si karla, ganun ang pakiramdam. asus! una ko sya nakita sa program sa school. naghahanap yung emcee ng marunong kumanta. biglang nagsigawan yung isang section at pilit na bino-volunteer yung ka-klase nila. kala ko trip-trip lang nila yun. pang-asar ba. pero umakyat yung girl eh. di ko sya masyado makita kasi nasa likod ako. tapos ayun, karla nga daw ang name nya. and then she sang.....wow! napatigil ako sa pag-iingay with friends. ang ganda pala ng voice nya. go the distance pa nga ata kinanta nya. ang galing nya, grabe! syempre lumapit na ko para makita ko itsura nya. ayun, natulala ako. imaginin mo, sa gandang lalake ko na to, napatulala nya ko! syet! muka pala syang anghel. ang ganda ng mga mata nya. panis si anghelita! mula noon lam ko na. nakita ko na ang "soulmate" ko! nyahahaha! pero totoo naman yun. kahit di nya alam... minsan nga napapatigil na lang ako sa paglalakad pag nakikita ko sya. yung tipong parang na-holdup. "freeze! wag ka kikilos, pulis to!" ay male, holdup nga pala. hehe.. kagaya nung isang araw, eh di dumaan sya. hinto naman ako. malay ko bang may bading pala sa likod ko. ayun, tumama nguso nyang pagkapula-pula sa lipstik sa bag ko sa likod. bumakat pa nga eh. na-imagine ko tuloy si diego ng bubble gang! "hoy mister, wag ka nga humarang sa daan!" syempre nagsori ako at hinarap ko sya. konting ngiti, konting pungay ng mga mata, ayun, si bading napatili bigla. "naku pasensya ka na, mr. pogi. kasalanan ko naman talaga. masyado ko malapit sa paglalakad mo. ano nga palang name at number mo?" "call me gwapo....mr. gwapo! wala ako cellphone eh, bigyan mo ko?" ayun, eh di layas sya sa harapan ko. pero naka-smile. hehe

Thursday, November 15, 2007

bata rin to, oi!

weird nga pala pag mas matanda ka sa karamihan ng mga ka-klase mo. panong di ka maa-asiwa, eh lahat sila kuya ang tawag sayo! kulang na lang pati prof mo kuyahin ka rin eh! para tuloy hindi ka belong sa kanila. minsan di ko lam kung ginagalang ba nila ko o talagang feeling mas bata lang sila. meron din kasing di ganun kalayo ang edad sakin. akalain mong kuya rin ang itawag saken?! syet! amuyin nya utot nya! hehe.. ang gara nga rin pag nakakakita ko ng chick. parang gumagawa ako ng kasalanan pag natingin ako ng may pagnanasa. sa bagay, kelan ba naman makatarungan ang tumingin ng may pagnanasa? in fairness naman saken eh napalingon lang naman at nagkataong napahanga sa kagandahan nya. ganun lang. walang ibang intensyon o iniisip. isa pang nakakainis eh pag may discussion o recitation. aba ang tingin ata saken eh pinanganak na henyo! sa bagay, totoo naman talaga. kaya lang eh minsan, di naman ako handa o kaya eh talagang walang gana sa pagsagot. tamad eh. wag na gambalain sa upuan! kaso ganun pa rin. "mr. gwapo, what can you say about how chickens reproduce?" "very simple ma'm, the chicken have sex then lay eggs. you can consult the book on animal husbandry by t.s. truly, page 69." kala naman nila indi ako makakasagot kahit ayaw ko! pero may benefits din naman ang pagiging mas nakatatanda. unang-una, di ka mautusan. syempre, nakakahiya nga naman, kagalang-galang, tapos uutusan lang. no way! madalas din leader agad sa mga group work. syempre, bilang pinuno, ako na nag-a-assign sa kanila ng gagawin. utos dito, utos dun. di naman sila makaka-angal eh. hehe. biro lang naman. di pa naman ako ganun katamad. ok sya kasi kahit papano eh napapakinggan ang input ko. speaking nga pala, masaya rin na pag tumayo na ko at nagsalita, tumatahimik sila para makinig. feeling pangulo ng pilipinas tuloy ako. "mga kababayan, mabuhay ang pilipinas!" pero siguro ang pinakamagandang part ng pagiging "pinakabata" eh macha-challenge ka talaga na pagbutihan ang pag-aaral mo. parang sobrang nakakahiya kasi pag nagkalat ka eh. magkaron man lang ng sense ang sinasabi ko, eh medyo ok na. isa pa, di lang naman ako ang "bata" sa university namin. ang dami kayang second-courser dun! pero may kwento kong para lang sa kanila. sa ibang post na lang mga yun. hehe. marami rin naman mas matanda saken dun. kung tutuusin, nasa gitna siguro ko pagdating sa age range sa school. pero pagdating sa itsura, eh nasa taas ako. tingnan nyo lang apelido ko!

tinola con ulan, aww!

Tinanghali ako ng gising kanina. Bakit naman hindi eh mula kagabi pa umuulan. Ang lamig kaya ang sarap matulog. Nag-alarm naman ako ng 5am. Kaso syempre ng magising ako, humirit pa ko ng 5mins! O, di ba? Malamang nga kaw rin ganun ang style eh. Wag ka na mag-deny. Lam ko rin yan, no?! Pero indi naman ako napuyat kagabi. Natapos ko nga agad yung assignment ko eh. Magaling pala talaga ko! Hehe. Wala pang 1 oras, natapos ko yung research. At nakapanood pa ko ng zaido at ma-ri-mar! aww! Ang tigas pa rin ni bella. Ayaw pa rin umamin na sya si marimar. Aww! Kuntodo security pa para indi makalapit si Sergio sa anak nilang si cruzeta na nasa ospital. Pero malamang mabuking na sya mayang gabi. Eh nahukay na ni Sergio yung fake nyang libingan eh. Saka pinakita sa abangan bukas. Yari na sya. Huli ka, balbon! Hehe. Balik tayo sa ulan. Wala namang bagyo, sabi ni kuya kim. Cold front lang daw ang dahilan. Pero ang gara talaga ng panahon, ano? Pag sinabing may bagyo, aba’y umaaraw pa. Pag sinabi namang wala, eto maghapon ang ulan! Kawawa tuloy mga taga-malabon. Lubog na naman sila. Ba’t kaya indi na naayos ang pagbaha dun? Palagay ko basura lang yung cause talaga. Isa lang ang bumara sa daanan ng tubig, patay na. E mababa pa naman ang lugar nila. Teka, magkano kaya ang nagagastos pag may baha? Wala kayang kinikita ang pamahalaang lokal nila? Hehe. Nagtatanong lang. Peace! Pero muntik na ko umabsent kanina. Yoko talaga ng umuulan eh. Ang hirap bumyahe. Mapuputikan ang shoes saka black pants ko. Delikado pa ang white polo ko. Ang hirap mamasahe, messy talaga eh. Tapos syempre dapat may dala kang payong. Hirap kaya magbitbit nun pag basa! Kaya ako kahit laging may dalang payong sa bag, di ko nilalabas hanggat di pwersado, yun bang tipong di ako makakauwi pag di ko sya binuksan. Ganun lang ang style, mga brod. Makisukob ka na lang. Baka maka-tyempo ka pa ng bagong kakilala! Hehe. Naku, naalala ko tuloy. Eh di umabot nga ako sa unang klase kanina kahit medyo late. Pagdating ko wala naman yung prof ko! Bwisit nga. Galing pa naman ako ng bulakan. At kinabahan pa ko na masermunan, kasi late. Tapos ala sya. Syet talaga! Pero kanina yun. Ok na ko. Lunch na eh. Kaka-kain ko lang ng tinolang manok! Sarap talaga ng may sabaw na mainit pag ganitong umuulan. Gumuguhit sa lalamunan ang lasap ng manok at papaya. Nyam-nyam! Tsalap-tsalap! Gwapo na, busog pa! Oi, ako yun!

Wednesday, November 14, 2007

ang gwapong ako!

naku eh wala naman talaga akong balak pumasok dito. kaso lang kelangan talaga. nagpapa-research ang aking butihing guro tungkol sa literatura ng pilipinas para sa philippine and world literature ko na subject. kung iisipin, dapat maning-mani sakin to. kung di nyo naitatanong eh magaling talaga ko sa subject na english. problema lang eh wala naman pinapaintindi o pinahahanapan ng explanation o pinagagawan ng reaction. ang gusto lang ni miss ladesma ay basahin ang ilang mga akdang sa panahon pa ng mga kastila! para daw sa discussion next meeting. pagkabigay nga nya ng homework eh napataas agad ang kilay ko. "my goodness, ganun?!" syempre sa isip ko lang yun. ano bale? di na kasi bagay saken. unang-una, kakabalik ko lang uli sa pag-aaral tagal ko kasi nahinto. pangalawa, di talaga ko sanay na inilalabas ang mga reklamo. silent majority eh! pangatlo at pinakamalaking dahilan siguro eh kasi ano...kwan....medyo mas matanda ako sa mga ka-klase ko. lam mo yun, medyo lamang ako sa edad eh. yun bang nandun ako sa taas ng age bracket. ok, sya-sya....30 na kasi ako. pero hindi naman dahil anga-anga ako o bumagsak. inde, no! matalino ata to! medyo natigil lang talaga ng medyo matagal. pero tapos na ang paghihintay. estudent na ko uli. at hindi lang basta estudent, nursing student pa! in na in, ano? well, tawag ng dolyar. sa ngayon kasi eto na pinakamabilis na paraan para makalipad patungong outer philippines. sabi nga ng marami, "kung aasa ka lang sa mga trabaho dito at sa tulong ng gobyerno, mamamatay ka lang ng dilat! mangarap ka na lang at mag-aral ng nursing. baka maka-isteyts ka pa at makapagpadala ng maraming hersheys para sa mga kamag-anak na siguradong darami pagpunta mo dun! hmn...naisip ko tuloy, magpapadala nga kaya ako ng chocolates? mas malufet ata kung mamudmod na lang ako ng pera pag nagbakasyon ako dito sa pinas! tama, para makita naman ako ni tiyo peping na nagpa-paypay ng pera. ang saya siguro nun. ang matapobre kong tiyo, tutulo ang laway at luluwa ang mata sa inggit saken! nyahahaha! ngayon pa lang nararamdaman ko na ang sungay ko na lumalabas na naman. para tuloy akong may bukol sa dalawang gilid ng noo. pero hindi naman ako ganun kasama. slight lang. siguro ipaparada ko na lang ang bago kong ferrari sa harapan ng bahay nila. wala lang, lilinisin ko lang siguro dun. medyo pupunas-punasan ang makintab na oto ko! o masama ba yun? hindi naman, di ba? kelangan lang talaga matutong maging malinis sa sasakyan. baka kalawangin eh. teka, kotse ba bibilhin ko o motor? eh ducati nga pala ang trip ko ah! ah lam ko na. bilhin ko na lang pareho. marami naman akong pera eh! hehe... hala! di kaya bigla akong habulin ng mga chicks nun?! gwapo, matalino at mayaman! tsk, tsk....lagot na ko! oo, gwapo nga ako. kaya nga yun ang apelido ko. para ngang ginuhit ng tadhana. mula sa angkan ng gwapo, gwapo rin ang itsura! bonus na nga lang na matalino rin ako eh, pero kung magkaka-pera pa ko at yayaman, eh ayawan na! pasensya na lang sa mga guys, binigay saken lahat eh. nakakaawa naman ang mga babaeng maghahabol saken pagyaman ko. di nila lam meron na kong iniirog...ha'y karla, kahit saang simbahan, pakakasalan kita! sana lang alam mo na na girlfriend kita. ang hirap pala kasi ng ako lang ang may alam. eh kung nakakaramdam lang ang hangin, baka sumigaw na yun ng rape! ano naman kasi ang gagawin ko, dun lang kita nayayakap at nahahalikan. ang sweet nga natin eh! hehe.... di bale, maghintay ka lang. pagbubutihan ko pag-aaral ko at ng maisakay na kita sa ducati ko. sana lang mahanap ko tong niri-research ko. ha'y nako, istorbo sa mga pangarap ko!